Wednesday, February 11, 2009

maganda ako.

nakuha ko ang tag na ito sa usong sosyal networking ngayon..facebook..at dahil feel ko masyadong makiuso sa kung anong meron ang pangkalahatan, naki go na rin ako sa pamosong bagay na ito..

pero dahil hindi naman talaga ako masyadong lulong sa bisyong tinatawag nilang facebook, naisipan kung ipamukadkad ang tag na ito dito kung saan alam kung makakakuha ako ng mas kapaki pakinabang na sagot..eh, mga henyo at komik mga kalahi ko dito eh..

so, ano pa ang ating hinihintay, laglagan na!!!..


25 random things about me..


1. i am a proud MSUan
----d nyo alam kung anong MSU ano???problema nyo na yan..


2. i took bs accountancy in college just because the registrar said so..
---gusto ko talaga kasi computer engineering pero dahil naubusan ako ng slot, at feel ng registrar-slash-kababayan ko eh napakahenyo ko sa matematiks, ayun..


3. bumagsak ako sa math 1 noong 1st year college ako..
----waa, i prove the registrar wrong..at ako lang ang katangi tanging bumagsak sa klase..algebra kasi yon at dati paman ay umuusok na ang butsi ko sa x x x na yan..


4. my parents had been separated since i was 5.
---medyo senti part...pero oks lang..magkapitbahay lang naman kami ng tatay ko hanggang ngayon at pareho sila ni mader na walang family of their own, at kapag naman nagyari iyon ay guguho ang mundo..mag-aamok ako for sure..


5. i don't know how to swim, even to float.
---sabi ng friend ko na redcross trainee, me mga tao daw talaga na sinker..hindi nagfofloat..ngunit kadalasan naman daw na ganoon eh nakakalipad...sos! naniwala ka naman..


6. i am a mid lister kind of person
---alam ko delikado ako dito pero ayaw ko lang talaga sa extremes..


7. i am a hopeless romantic girl.
---and i am very much in love with my banana..ay teka, alam nyo na yun eh!


8. i am a certified homebuddy.
---i find the couch much interesting than roads and the bed much entertaining than bars.


9. i had a total of 9 boylets..
----that includes boyfriends and boyflings...ooopss, wait! i think i lost count.


10. i had a nokia 6510 for a cellphone.
---oo nah, napakalowtech non, tapos pes awt pa xa ngayon...dati ko pa iyong cellphone at di xa magiba giba talaga.


11. the only online game i had an account with is conquer.
---my character's name is BONSAI, and i only played it once.


12. minsan sa aking buhay ay naghabol ako ng lalaki.
---at pinagsisihan ko iyon ng bonggang bongga..enough said.


13. i never learned sports.
---kalahi ko si juan tamad at ni minsan ay hindi ko naisipang magbanat ng buto for my well-being..so sad..


14. i wanted to be a writer.
---pero wala akong kapasidad.too bad


15. i never tried drugs and never will..
---pero nung nabasa ko minsan ang macarthur ni bob ong, muntikan ko nang itry..why??kakatouch kaya ang buhay addict.


16. i tried cigar once.
--black cat galing sa friend ng sissy ko.iniwan sa aming boarding house..ayun, nilaklak namin.


17. i love the province.
--nothing beats home sweet home..gusto ko rin namang iexplore ang world but at the end of the day, i just want home.


18. my first sweet dance was "walking in the rain" by a1.
---3rd year hs js prom kasama si first lab..waaaa...kinikilig pa rin ako???!!!


19. my first movie trip with banana was zsa zsa zaturnah..
---panahon iyon ng mmff..tas puno ang enteng kabisote at kasal, kasali, kasalo..no choice.


20. i collect autographs way back elementary and highschool days.
---at kapag binabalik balikan ko ang mga yon, puro "just see me in person" at "many to mention" ang nababasa ko.


21. i want twins for kids.
---dapat boy and girl..and they would be kent and savannah.


22. i love brad pitt
---ayoko na kay piolo, i found out how man brad pitt was noon pinanood ko ang ocean's thirteen..
waa..how i wish i was angelina jolie.


23. my favorite book is harry potter's.
---ayoko ng twilight, me pdf ako pero echapwera..


24. i am a loan's bookkeepper at a certain bank.
---nakakapagod..sobra


25. maganda ako.
---no explanations needed.





ayan, gusto kung i tag ang mga minamahal kong bloggers.

supergulaman
lizeth
epfi
azul
lordcm
duberkat
lio loco
jhosel
paperdoll
kosa

at kayong lahat na nasa blogroll ko..


maiintidihan ko kung di nyo gagawin pero gawin nyo nah...OA naman kayo..

17 comments:

Lord CM said...

ayaw ko!!!walang link ung name ko eh!!! lolzzz joke lang po...

cge cge..pag may time gawa ako...thanks sa tag :)

epfi said...

bkit 25 toh?

hindi pwedeng 2 na lang
or 5 ???

lolz

~yAnaH~ said...

*** ibalibag mo para magiba at mapalitan mo na mobile mo. ahihihi

*** nilaklak poh ba ang cigar? natanong lang naman hahaha

*** akala ko kent and barbie
*** sabi nila pag mataba daw lulutang sa tubig, di naman totoo yun... sus hahaha

***panalong-panalo ang number 25 ahihihihi

=supergulaman= said...

wenks...aheks...kunin ko ito...cge...salamat salamat...

accountant pla to eh... galing...:)

aheks...online games...gusto ko din nyan... pero inde ko nalaro yun game mu... :)

punky said...

wow! nakakalipad ka? lupad na! hehehe!

kosa said...

heheh..
sige papatulan ko to kapag nagkaoras..
medyo busy pa eh..

jhosel said...

ahehe. pareho tayo di di ako marunong magfloat. ahehe.

salamat salamat sa pag tag, nahulaan ko na kasi na itatag mo ako kea gumawa na ako. ahehe. joke1 madame auring pala eno. pero naaliw kasi ako magbasa ng mga facts ng iba kea natripan ko rin. ahehe.

Lizeth said...

wahahah!!! ayos!!! matagal ko nang gustong gawin yan kaso tinatamad ako pero ngayon may dahilan na kasi may nagtag sakin!!! wahaha. salamat sa pag tag!!!

azul said...

at dahil nga tinag mo ko yung blog mo ang unang una kong binuksan..hehe

kerami naman 25...cge cge gagawin ko to...taz isasama na kita sa tinag ko..bale xchange tag teo..hakhak...katuwaan lang aman...

Elyong said...

1. i am a proud MSUan - Saang MSU? hehehe... Iligan?


3. bumagsak ako sa math 1 noong 1st year college ako... ay hindi ito nakakahiya... karamihan sa college lumagapak dito, pero pag xxx well, ibang estorya na yan.

9. i had a total of 9 boylets... wow@ grabe panalo...

10. i had a nokia 6510 for a cellphone.... kung alam mo lang ang phone ko.. baka ikaw ang di ko ma reach.. hahaha

12. minsan sa aking buhay ay naghabol ako ng lalaki.... minsan gawin ko rin to... hahaha ay tama ba? parang mali.. hahaha

25. maganda ako.... tumpak ka dyan!!

lio loco said...

taragis. tapos na ung tag ko. marami pala taung similarities. tingnan mo na lang. wag mo nang uulitin to ha. makinig ka sa magulang mo. lolz!

duberkat said...

tabangmgalangit. ang haba naman nito.hahaha yun nga tag sakin ni angie na lima di ko pa nagagawa. pero cge...pag naka recover na brain cells ko ha?
salamat sa pag tag! =)

vanvan said...

nakakatamad gumawa ng link eh..

gawin nyo nah..ang OOA nyo...


buzz nyo ko kung tapos na ha....

Dansoy said...

Abah! Wala talagang patawad itong c vanvan. tsktsktsk. Wala naman ang name ko sa tag? Sus! Kung hindi ka lang malakas sakin hindi ko ito gagawin pero pramis aasikasuhin ko to on or before tuesday *busy ako kunwari mula ngayon hanggang monday*.

Pag amping nalang vanvan! Itag pud taka sunod hahha.

Lizeth said...

nagawa ko na yung tag mo sakin! hahaha. tignan mo sa http://lizeth.i.ph

Elyong said...

Pinanindigan mo na talaga ang kagandahan mo at ito pa rin ang latest post mo.. di mo na pinalitan.. hahaha..

flamindevil said...

lahat ba to totoo?mukhang pinakatotoo yung number 25 eh.hehe (mambobola mode)

nice facts about you vanvan. :