Friday, February 27, 2009

be my hero...

minsan naitanong ng isang ka-officemate kay manong guard..

"kuya, ilang beses bang mainlove ang tao?"

ang sagot ni manong guard?

"dalawang beses, iha.."


ohh meee..is he sure??lolz..
naguguluhan ako..minsan akala ko kasi isang beses lang..at minsan naman maraming beses..
tapos talagang specific answer, dalawang beses?..


at yun ba ang tinatawag nilang first love at true love?? eh pano yung affairs in between??
landian festival??


si manong guard eh me asawa na pero malayo sa pamilya..at hindi lang miminsan na nalilink siya sa ibang babae dito..



napapaisip ako ulit..kailan naman nangyari ang ikalawang beses ni manong guard??


si misis na ba ang ikalawang beses??o may ikalawang beses pa pagkatapos ni misis??





malulupit talaga ang mga lalaki..


****





p.s: hindi ito hater-post for boys agen..nakieavesdrop lang ako ke manong guard at amorie..
**winks..

Tuesday, February 24, 2009

bcoz i'm cool like that..



ilang araw na rin akong nag-iisip ng kwentong pwede kong ilathala sa pahinang ito..pero kadalasan, kapag sinisimulan ko ng itipa ang mga titik, nag-uunahan sila sa pag-aalsa balutan palabas ng aking utak..ganon talaga siguro, kadalasan talaga nangyayari yun sa mga taong sobrang matatalino...yeah, i'm smart like that...sus, sige na, limitado lang kasi talaga ang pang-unawa ko sa iilang bagay at hindi ganoon kalawak ang aking imahinasyon..weee..in short, bogaloids ako..anong klaseng post ba ito..parang i-hate-myself-so-i'm-discriminating-it thingy...





sabi nga ni superg nung minsang hiningan ko siya ng ideya para sa post, porn na lang daw..acckkk..super lousy ako sa porn..wala kayong mahihita sakin..naalala ko noon, me suitor ako tapos inilagay niya pic ko sa friendster, ang caption eh holy kamasutra..natuwa ako siyempre at kinilig pa medyo..ang babaw ko talaga kasi.. kasing babaw nitong post ko..





so, pano yan..dalawang paragraphs na ang inaksya nyong basahin, baka kako pag pinatagal ko pa itong nonsense daldal na ito, eh hindi nyo na ako balikan..kakaloka yun..





sa mga panahong walang maisip ang tao tapos gustong gusto niyang magblog, tags at awards ang magiging kakampi niya..





kaya salamat ng marami ke mareng jhosel sa award na ipinasa niya sakin.









Heto ang rules..* Put the logo on your blog or post. * Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude! * Be sure to link to your nominees within your post. * Let them know that they have received this award by commenting on their blog. * Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.





at dahil kasing dyosa ko kayo..eto sa inyo..


1. azul--kasing inlab ko..

2. duberkat --kasing kyut ko..

3. lizeth --kasingtalentado ko..

4. yanah --kasing ganda at kasing inspiring ko.

5. venus --kasing everything ko..

6. winkie --kasing talino ko..

7. darling --kasing rakista ko..


sana ay tanggapin nyo ito ng buong puso at kaluluwa at patuloy nating itayo ang bandera ng ating mga alindog..


mabuhay tayong lahat mga chikababes!!!!











***



Friday, February 20, 2009

who am i













ayan..ang gandang ganda..pinilit ko pa talaga si mr. marlon na gawan ako nito..kaya milyon milyong salamat sa kanya kahit pa ginawa niyang lalaki ang aking gender..ayan o..pagkalaking MR...ahehehe..di bale na..kamukha ko naman si eva fonda sa id na ito..weee...



at dahil medyo napilit din akong gumawa ng tag ni supergulaman..ahaha..ok fine..ako ang namilit na itag niya ako..at sa dahilang sobrang feeling close na siya sa akin, gagawin ko na ng bukal sa kalooban..



para lang namang english composition ito sa formal theme nung grade four ako..sos, ang dali..ilista ko lang daw ang mga pangalang tawag sa akin..at ang mga multong tumatawag sa akin nito..so?..let's get it on...




1. vanessa --ang dyosang pangalan ng inyong lingkod na tawag ng mga taong masyadong pormal at gustong magpakapropesyunal gaya nina teacher at bosskie..



2. vanvan --kung saan ako sanay at kung saan madalas akong mapagkamalang dodong..tawag ng mga taong tinatawag kong kaibigan..




3. teban --shortcut ng ate van na madalas tawag ng aking mga subordinates sa bahay at mga taong masyadong conscious sa kanilang mga edad na kahit ilang buwan lang ang tanda ko sa kanila eh kung gumalang parang kumare ko lola nila..




4. vantoi, vansot, vaning, vanini --nekneknames na tawag ng mga taong iba ang likaw ng bituka at iba ang takbo ng isip at walang magawa sa buhay kaya pangalan ko ang madalas pagdidiskitahan..




5. churva --bagong binyag kong pangalan dito sa kwadradong lungga ng mga kapitalista..madalas daw kasi akong magchurva... as in tumae...aheheh..palatae ako tas hindi pa talaga early in the morning kundi in the middle of the day..



6. bangbang --tawag ng aking landlord at boardmates sa boarding house na nilayasan ko dahil sobrang strik mag-impose ng curfew..



7. butod --pangalan ko sa phonebook ni ex labs..tsk..tsk..



8. bezz, bestoy --tawag ni bestfriend girl at bestfriend boy..



9. bebee --endearment namin ni banana..dalawang taon mahigit na rin akong nasasanay sa tawag na ito...at sana forever na nga..



10. honeypie --bagong tawag ni banana sa akin--tinatawag ko siyang banana dahil ang sagwa kung talong..at tinatawag niya akong honeypie dahil masagwa rin kung bibingka.....shhhhh...




ayan ha super g..nagawa ko na ang obligasyon ko sayo..ehhh..nakalimutan kong naitag din ako ni markey ng ten things about me..tamad akong gumawa non kaya markey, pumili ka na lang ng sampu dyan sa naisulat kong 25 things about me..hehehe..and in return eh, tag kita nito markey ha???





*************


nailabas na ang november 2008 nle results at nais kong icongratulate ang lahat ng mga pumasa..ayan, sa wakas nagbunga na rin ang mga utang ng inyong nanay..ang mga magdamagang pag-aral, ang walang kamatayang e.r at d.r at ang lahat lahat na..hindi ako masyadong makarelate sa karerang ito..




at syempre sa mga kaibigan kong super deserving sa tinatamasang kaligayahan ngayon..sana eh, walang magbago..wag lumaki ulo at ang paa??sa lupa dapat yan..unti unti nang nabubuo ang mga ulap ng ating mga pangarap..pasasaan ba't aabot din tayo sa buwan..at magniningning..











friends forever pa rin tayo ha..













Wednesday, February 11, 2009

maganda ako.

nakuha ko ang tag na ito sa usong sosyal networking ngayon..facebook..at dahil feel ko masyadong makiuso sa kung anong meron ang pangkalahatan, naki go na rin ako sa pamosong bagay na ito..

pero dahil hindi naman talaga ako masyadong lulong sa bisyong tinatawag nilang facebook, naisipan kung ipamukadkad ang tag na ito dito kung saan alam kung makakakuha ako ng mas kapaki pakinabang na sagot..eh, mga henyo at komik mga kalahi ko dito eh..

so, ano pa ang ating hinihintay, laglagan na!!!..


25 random things about me..


1. i am a proud MSUan
----d nyo alam kung anong MSU ano???problema nyo na yan..


2. i took bs accountancy in college just because the registrar said so..
---gusto ko talaga kasi computer engineering pero dahil naubusan ako ng slot, at feel ng registrar-slash-kababayan ko eh napakahenyo ko sa matematiks, ayun..


3. bumagsak ako sa math 1 noong 1st year college ako..
----waa, i prove the registrar wrong..at ako lang ang katangi tanging bumagsak sa klase..algebra kasi yon at dati paman ay umuusok na ang butsi ko sa x x x na yan..


4. my parents had been separated since i was 5.
---medyo senti part...pero oks lang..magkapitbahay lang naman kami ng tatay ko hanggang ngayon at pareho sila ni mader na walang family of their own, at kapag naman nagyari iyon ay guguho ang mundo..mag-aamok ako for sure..


5. i don't know how to swim, even to float.
---sabi ng friend ko na redcross trainee, me mga tao daw talaga na sinker..hindi nagfofloat..ngunit kadalasan naman daw na ganoon eh nakakalipad...sos! naniwala ka naman..


6. i am a mid lister kind of person
---alam ko delikado ako dito pero ayaw ko lang talaga sa extremes..


7. i am a hopeless romantic girl.
---and i am very much in love with my banana..ay teka, alam nyo na yun eh!


8. i am a certified homebuddy.
---i find the couch much interesting than roads and the bed much entertaining than bars.


9. i had a total of 9 boylets..
----that includes boyfriends and boyflings...ooopss, wait! i think i lost count.


10. i had a nokia 6510 for a cellphone.
---oo nah, napakalowtech non, tapos pes awt pa xa ngayon...dati ko pa iyong cellphone at di xa magiba giba talaga.


11. the only online game i had an account with is conquer.
---my character's name is BONSAI, and i only played it once.


12. minsan sa aking buhay ay naghabol ako ng lalaki.
---at pinagsisihan ko iyon ng bonggang bongga..enough said.


13. i never learned sports.
---kalahi ko si juan tamad at ni minsan ay hindi ko naisipang magbanat ng buto for my well-being..so sad..


14. i wanted to be a writer.
---pero wala akong kapasidad.too bad


15. i never tried drugs and never will..
---pero nung nabasa ko minsan ang macarthur ni bob ong, muntikan ko nang itry..why??kakatouch kaya ang buhay addict.


16. i tried cigar once.
--black cat galing sa friend ng sissy ko.iniwan sa aming boarding house..ayun, nilaklak namin.


17. i love the province.
--nothing beats home sweet home..gusto ko rin namang iexplore ang world but at the end of the day, i just want home.


18. my first sweet dance was "walking in the rain" by a1.
---3rd year hs js prom kasama si first lab..waaaa...kinikilig pa rin ako???!!!


19. my first movie trip with banana was zsa zsa zaturnah..
---panahon iyon ng mmff..tas puno ang enteng kabisote at kasal, kasali, kasalo..no choice.


20. i collect autographs way back elementary and highschool days.
---at kapag binabalik balikan ko ang mga yon, puro "just see me in person" at "many to mention" ang nababasa ko.


21. i want twins for kids.
---dapat boy and girl..and they would be kent and savannah.


22. i love brad pitt
---ayoko na kay piolo, i found out how man brad pitt was noon pinanood ko ang ocean's thirteen..
waa..how i wish i was angelina jolie.


23. my favorite book is harry potter's.
---ayoko ng twilight, me pdf ako pero echapwera..


24. i am a loan's bookkeepper at a certain bank.
---nakakapagod..sobra


25. maganda ako.
---no explanations needed.





ayan, gusto kung i tag ang mga minamahal kong bloggers.

supergulaman
lizeth
epfi
azul
lordcm
duberkat
lio loco
jhosel
paperdoll
kosa

at kayong lahat na nasa blogroll ko..


maiintidihan ko kung di nyo gagawin pero gawin nyo nah...OA naman kayo..

Sunday, February 8, 2009

lolz

medyo ang dami dami na kasing love post na kumakalat ngayon sa blogosphere..inaabuso na ang feb-ibig month. kakatuwang basahin, kakatuwang isipin. sa dinami dami ng mg maiinit na topic na umiikot sa sanlibutan ng blogging world, ang love topic talaga ang common denominator ng mga kasing talino kong bloggers. kasi, kahit gaano sila kalakas magmura sa kani kanilang mga posts, at kahit gaano nila ipinaglalaban ang mga bagay bagay na feeling nila ay tama, umiibig pa rin sila at gumagawa ng love posts..waaa..kasing adik ko talaga..medyo, nakagawa na rin ako ng love post para sa aking banana..hindi pa enough iyon, pero right now, di pa ako makaisip ng mga eksaktong flowery words para isalarawan ang aming pag-iibigan..pakiabangan na lamang, later..


nais kong icongratz ang mga fellow bloggers ko sa kani kanilang mga love posts..i had a good time checking it out..

ngview ang ex boylet ko saking fs..so, wala siguro siyang date at naisipan niyang mgview..buti nga sayo..kala, ang gwapo gwapo..pweee...lolz..--ang bitter at ang loser naman pakinggan..

ang gwapo kaya ng banana ko..kasing gwapo niya si piolo pascual pero di kasing bakla..lolz..



***medyo pissed off na naman ako these days..as usual, sa work..i'm currently having a boil at my left eye, sabi ng check up, overfatigue daw..tas infected pa..

someone asked for a load last week, parang nag beg talaga siya, dahil medyo friends friends naman kami, i sent her a load thru gcash worth 20p lang naman..yun kasi yung hiningi niya. tas 10 minutes after, hingi siya ng another 20p..ngpromise, cross my heart, hope to die pa siya na babayaran niya yon..and then two days after that, i ringed her..unattended na ang bruha..

naku!kakainis..alam ko 40p lang iyon, hindi naman ako ganid para tapusin ang aming pagkakaibigan ng dahil sa 40p na load..marami akong load, hindi ko kailangan ang 40p na yon..ang nakakagilalas lang, she made a promise..kontodo promise pa..kun sanay ng-explain siya na hindi siya makakapay back..di okay..i will understand..sa lahat ng ayoko, yung pinapangakoan ako..tas mawawala lang like bubbles..kainis..sa yo na yung 40p..and don't ever make a promise again..


**hindi talaga ako masyadong nakakapag-isip these days..alam ko na napakawalang kabuluhan ng post kong ito..kung inaksaya niyo man ang inyong golden time para pasahan ng basa ang bonggang post na ito, iiyak ako sa tuwa..










Wednesday, February 4, 2009

i am a superwoman









When God finished the creation of Adam he stepped back, scratched his head and said, "I can do better than that."








at kami yon!!boohooo...








OK..OK..this is not a hater post for boys..i just feel so superwoman today..











sige, babawi ako..

rule#1: boys are nothing but trouble..

rule#2: i love them anyway..

igat!



spare me agen..still in random..







Sunday, February 1, 2009

victims of love

i have long forgotten the issues on my past lovers until i had a good chat with my chikabebs..medyo naungkat ang aming mga ex boylets at napaisip ako. ang dami na nga pala nila ano?lolz. uso din naman kasi ang boyplends noon. lalo na noong kasibulan ng aming pagdadalaga. kapag naman kasi nagkaboyfriend ang iyong mga friends, brought by peer pressure ay magboyfriend ka na rin. hindi iyon ang tamang behavior, pero ganoon kami at ganoon kadalasan ang ang mga bagets.


mas matanda ng dalawang taon ang aking first boyplend at nagtagal lamang kami ng isang buwan. ang tanging memory na naalala ko sa kanya ay ang pagkakataong pinagawa ko siya sa aking molecular structure project sa chemistry. sa ngayon, hindi ko na alam kung buhay pa siya o nailibing na.

sunod kung naging boyplend ay aking firstlove. si labs. kaklase ko si labs at naging bestfriend muna bago niya napansin ang aking alindog at kariktan. madalas kaming magkatabi sa upuan at sabay kung umuwi. ako ang tagagawa ng assignment niya sa english at filipino at siya naman ang taga answer ng exams ko sa math at physics. dahil siguro sa dalas ng aming pagkikita, nagsawa kami sa isa't isa at tinapos ang lahat matapos ang isang taon. marami rin akong naging boyplends sa college pero no klaro.

hanggang sa makilala ko si banana--ang aking one true love . masaya ako pero hindi ko alam kung hanggang kelan ang happiness na ito. noon pa man ay ayoko ng maraming lalaki sa buhay, lamang ay hindi natin hawak ang pagkakataon. di naman pwedeng talian natin ang mga leeg ng mga gwapitong iyan at lalong hindi natin dapat pilitin ang ating mga sarili kung hindi na tayo masaya.

maraming mga problemang dulot ng pag-ibig ang nakasurround sa akin ngayon. hindi personal kung problema kundi mga problema ng mga taong konti rin ay mahalaga sa akin.

nandyan si not-so-close friend na nakipagtanan sa kanyang labedabs at dahil in denial ang kanyang mother sa nagawang pag-alsa balutan ng kanyang anak ay nagsampa ng kasong rape sa syota ng daughter.

si male berks na saka pa lamang tinext ng kanyang jowa na aalis na ito patungong italy, sa mismong araw ng pag-alis nito.

si frend na nakabuntis ng iba ang syota niya.


samo't saring kwento ng pag-ibig. may mga nabulag. may mga tumanggi sa grasya. may mga nadapa. may mga nadapa at bumangon. may mga nadapa, bumangon at nadapa ulit. may swerte. may malas. may sumugal sa bawal. may mga napipilitan.

minsan na rin akong nasaktan.yeah! ngunit heto pa rin at di natuto. di bale na.



"kung may lalayo, may darating"

"first love never dies, but true love will bury it alive"






p.s. ang mushy post na ito ay resulta ng pressure sa trabaho. may external audit kami bukas...tsadan!