Thursday, January 29, 2009

ebony and ivory

i have never felt more pressured in my entire life until today. i felt like crying. work has been miserable. the last time i decided to get into work, i only thought of earning money not this helly feeling.


the first months of work has been easy that i often tell myself, "i'm too smart for this. it is not like i can't do my part, i just feel overused..hahaha.. ganon. nung una, lahat sila pinapayuhan ako, "walk extra mile..dapat matuto ka ng ibang trabaho para maging flexible ka" yun daw kasi yung key for easier promotion, etc.etc. at akong si trying hard, learn naman ng learn. believing that they were helping me out reach for that star. tapos, etong huli, nafefeel ko na lang, inaabused na ako. ung mga parte na dapat sila ang gumagawa ay ako na. dahil bagito ako sa institusyong ito, wala akong magawa kundi ang maging sunod sunuran at pagkatapos ay maglabas ng emotions sa mga taong nabingi na ata sa aking mga sentimyento.

i have been earning money ever since i was in college. ng on-the-job training ako as office assistant sa accounting department ng department of agriculture provincial office at dahil medyo juana tamad at laos sa technology ang mga peepz doon ay napilitan akong mag extend ng service at magpart time job na umabot ng higit sa isang taon. at ngayon nga ay ubos ubos ang aking energy, plus i'm getting attached pa to my avon business. nakakaloka. yun ang point. pagod ako pero gusto ko ng pera. siguro nasanay na ako mula pa. grumaduate kasi ako sa highschool na may medal of excellent service dahil buong highschool akong tresurera. kaya siguro kahit bobo ako sa math ay naitaguyod ko ng maayos ang aking accountancy career. sayang lang at binore to death ako ng aming audit theory professor at bigla ay nawala ang gana kong maging c.p.a...
siguro ay magbubunga rin ang kasipagang ito. sana nga lang ay sa mas madaling panahon at nang di ko maiwagayway ang puting bandila ng wala sa panahon. hindi ako ang tipong susuko lalo na at ako naman ang makikinabang sa huli. minsan lang, nahihurt din ako.




anyways, my friends and i discovered something amazing and fun at the middle of the bukid..













i just found out yesterday na ang ebony at ivory ay terms pala ng black and white..too bad..too shameful..








Saturday, January 24, 2009

i'm confused..wait!..maybe i'm not..


kasalukuyang nakikibuno sa pahina ng jobstreet.com para sa bagong kapalaran. mas magandang kapalaran. me trabaho na ako but damn! i'm not happy. lolz. medyo happy but far from being contented. ganun ang mga tao at ganun ako dahil tao ako..

minsan tinawagan ako ng synnex concentrix formerly known as linktosupport cagayan de oro branch. tinanong ang aking pangalan at kung feel ko daw ba mag call center agent.. i said no at the instant.. i told them pa, "i never applied for the agent position, i applied for the accounting assistant and operation analyst positions"..at siguro nagalit si caller kaya biglang sinabi "okay, have a nice day"..

matagal na akong nag-apply through jobstreet sa ahensyang iyon at nang mapansin ang beauty ko ay sa pagiging call center agent pa ako ififit-in.. no offense meant pero hindi ko kaya ang graveyard shift nilang sinasabi..naniniwala pa rin ako na mas masarap matulog sa gabi kesa sa umaga.

kaya eto, dahil nabawasan na ang aking mga job prospects, hinalungkat ko na naman ang baul ng jobstreet at sana lang ay may mahagilap na sagot sa aking mga pangarap..wala naman ako masyadong high qualifications para sa job, gusto ko nang trabahong maglalapit sa akin ke banana--ang lalaking nagcocolor ng aking world.. hehehe..two years mahigit na rin kami at ayokong mahulog lang sa wala ang aking mga pinagpaguran..pero alam ko rin ang mga negative possibilities ngunit hanggat may magagawa, ay gagawin..


isa pa sa mga sentimyento ko sa trabaho ay ang mga buhay buhay ng aking mga co..alam kung wala ako sa posisyon upang makialam, pero talagang komplikado sila eh..

*si mrs. a--naging textmate si mister february 4, nag-eyeball july 17 at nagpakasal september 8..
*si badz--naging textmate din si mister, nag-eyeball at sa ikalawang pag-aeyeball ay namanhikan na..
*si love--textmate din si future mister, ng-eyeball, two weeks after the first eyeball ay ng-eyeball ulit at nagkasundong magpapakasal in the near six months or more..

whirlwind romances or love at first sight or maybe..

ayoko sa ganun..fave part ko kasi ang getting to know each other portion at ang long engagement process..pero sabi ko nga buhay nila iyon at buhay ko rin ito..


pinanood ko ang inaguaration ni obama at first time ko iyon. hindi ko pinanood ang kay fvr kahit kaapelyido niya ang mama ko; hindi kay erap kahit nakita ko na siya in person at lalong hindi kay glorya dahil busy ako non..

"
america is greater than our selfish ambitions"


naks, kahit kailan ambisyon lang ng pinas ang states..

***

*a boyfriend who wanted to be a model pala and signed in for ginoong enhenyero 2009..
*every two-hour blackout with matching sira na generator..
*message sending failed status ng globe..
*early dinner with friends sa kan-anan sa balsa at 4pm with xtian's crosswind and me and gideon taking the bus for i'll be out at 5pm pa..
*vince's life chapter 2, getting over andrea,have baby will date, and for one more day..
*and my 2months sideline business which is doing good..





wohoo..way to go!!





Tuesday, January 13, 2009

ano na?

tinamaan na ng lintik ang cagayan de oro city..nakakatakot..nakakapanibago..sanay kami na pinapanood ang ibang lalawigan sa mga karumaldumal na haplos ng kalikasan ngunit ang malamang isang milya na lamang ang pagitang ng cdo sa aming lalawigan ay nakakapanindig balahibo.. ibang lebel kung magalit ang inang kalikasan, warak!..

sa kabilang dako, binomba naman ng nampotang mga MILF ang dalawang tore ng kurente sa lanao del norte. hay buhay, kaya eto kami ngayon, every two hours blackout/brownout. nakakawalang gana magtrabaho. ang ingay pa ng generator. maiintindihan ko pa si mother nature pero ang mga lintik na abnoy na MILF na un..neber!..di tuloy ako mkapaggala sa cyberworld..

nasan kana volta?!



nagbalik na ang paborito kung blogger..ilang araw ko din siyang inabangan. at pinakamaganda dun, ngcomment pa siya sa post ko..sikat ako!

muntik na akong mawalan ng special someone..buti na lang ang ganda ko, di niya ako mabitiwan..hehehe..








*ipagdasal po nating ang cdo.nandun po ang mga minamahal ko sa buhay...

Sunday, January 4, 2009

pasiuna.

balik siyudad na naman ang aking mga kapatiran at kabagang..tuloy isa na namang nakakabinging katahimikan ay namamayani sa aming bukirin.. muntikan na nga akong bumunghalit ng iyak ng ihatid ko ng tanaw ang maliit na bus na maghahatid sa kanila sa mapang-akit na siyudad.. naalala ko ang kahapon, noong kabilang pa ako sa mga nakikipagsiksikan at nakikipag-unahan sa bus para lamang makarating sa patutunguhan at makibuno sa kolehiyo.ngunit ngayong tapos na ako sa pahinang iyon, eto at naiiwan ako sa aking lupang sinilangan at kumikita ng sariling pera. nakikibaka sa araw araw na transakyon sa banko at nakikiharap sa iba't ibang uri ng tao. minsan naiisip ko, ang gulo ng buhay. noon, halos batakin ko ang mga araw para lamang mapadali ang pagtatapos ng pag-aaral..ngayon naman, kung pwede lamang ibalik ang panahon ay gagawin ko para lamang manamnam balik ang buhay estudyante..

nagiging couch potato na ako lately. minsan nanood ako ng transformers sa hbo mga bandang ala una ng madaling araw at habang nasa rurok na ako ng kagandahan ng pelikula biglang ngblue ang buong screen.palingat lingat ako sa ibang channel natakot sa mga pangyayari at ng mahimasmasan ako ay napaisip..nampoocha! lintek na cable..kaya yun tiniis ko na lamang ang maglurat ng mata sa nakakabulag na bughaw na screen..at nang mahimasmasan ay pinilit sugpuin ang insomnia na gumapi sa aking sangkatauhan..tiniis ang ungol nang mga wakwak na aso at ng mga nalilibog na mga pusa.. kakaloka ang buhay sa nayon para akong hindi nasanay..

muntik na rin akong inumaga sa kapapanood ng pepot artista sa cinema one kagabi..at talagang adik ako sa indiefilm..galing at sulit talaga..alam kung matagal na ang pelikulang ito pero hindi ko na rin siguro kasalanan kung malayo ako sa kabihasnan at sa mga sinasabi nilang cinemalaya at kung ngayon lang siya ipinalabas ng nasabing chanel.. matagal tagal ko na ring inaabangan ang numbalikdiwa pero noong naipalabas na ay inunahan naman ako ng takot..hayun at pinili ang berdeng mundo ng temptation island..buti na lamang at may replay ngayong jan.17. sana naman ay hindi ako traydorin ng aking memorya.

kakaadik. alas dos ng hapon ko pa sinimulan kung simulan ang blog na ito pero ala siyete na nang simulan kung tapusin. nakalimutan ko kasi na magpopost pala ako. sabog na ako sa pet society ng facebook. gusto kung yumaman doon pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung paano. bobita talaga.

wala pa rin akong new year's resolution..ayokong magpapayat kahit taba ako..pakialam nila..kala mo ang gaganda! at ayokong magtipid, marami kaya akong pera. dali lang naman kitain nun..dali ring waldasin.

adios!