Wednesday, September 16, 2009
Tuesday, August 18, 2009
Tuesday, August 11, 2009
my butter COCOnut!
Wednesday, July 8, 2009
i wish i'm back!
ipagpaumanhin nyo ang pag-absent ko nitong mga nakaraang araw. sana ay open arms ka pa rin sa aking pagbabalik.
ang tagal kong nawala, parang nakakapanibago. ung last post ko eh tungkol pa sa la independencia, tingnan mo't naging magjowa na si john lloyd at rufa tas dedbol na si idol michael jackson..wohooo..
bakit nga ba ako nawala? di naman siguro ako nadapuan ng a(h1n1). di rin ako masyadong nagluksa kay mj ..at higit sa lahat hindi ako affected sa pda moments nina john lloyd at ruffa sa high-end streets ng stets..
hhhhmmm...nakakahiyang aminin pero wala na kaming intarnets sa bahay..yeah, pinaputol ni mamang dahil hindi ko naman nagagamit dahil magdamag naman akong nasa opis para sa sagarang offertime.
ipinagbawal na rin ang ym at kahit anong may kaugnayan sa intarnets dito sa opis.. namiss ko tuloy ang super ka ym kong si superg at ate yanah..pati na sina ms.jen at ms.azel..
eh, saan ako nakiinternet ngayon?chekwet..basta, nakihits...lolz..
i miss you.. you know..
alam mong di ako kumpleto kung wala ka blogspot...hinahawakan mo ata ang isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ko..ang kalayaan ng isip at bukambibig ng puso..rowts!
hanggang sa muli!..
Thursday, June 11, 2009
kalayaan..kapayapaan..yow!
*** it's rare that i get to draw something..and it's even rare that i draw what's in my heart..
*******************
isang liham para sa minamahal..
Tuesday, June 9, 2009
lost and found!
naging busy ako sa kakasunod sa updates sa nakakasukang sina hayden at katrina..
naging busy sa mock training ng bank kung saan narealize ko na mali mali pala ung procedures namin sa branch..oh well, back to basics na talaga..
naging busy sa kahihintay sa civil service results kung saan pumasa ako..waaahh..with flying colors??hhhmm, ewan ko..di ko pa narerecieve ung proper notice pero hopefully..bleeh..ang yabang..ayan, eligible na ako..pwede nakong pumasok sa mga government agencies..hopefully din, goodbye na sa umaaliping kapitalista..
busy sa kakadasal na wag naman sanang abutin ng a(h1n1) ang aking maliit na nayon, which is possible talaga dahil wala naman masyadong balikbayan na nagsisiuwian sa probinsiya..
busy sa pag-uupload ng mga old and new photos na kung saan pagreresize palang ay kumakain na ng malaking oras..
well, ngtry akong magpatumbling tumbling sa tumblr.com..medyo naging cool siya nung una pero kinacount nila ung paggawa mo ng activities in their tumblarity which truly sucks..
so, in short, nagrereblog sila ng reblog para lang sa tumblarity kahit hindi naman masyadong sensible ung ibang notes..ooopppss..sori!
***rainbow in the city
***ang lechon sa probinsiya..
***kyla's bistro @ cdo
***over bo's chocolate chips
***obviously, this ain't a rich kid, but her mom has the richest positive attitude in the world..
***windows of our lives
**ante jo's wholesale business
***my training id..
i'm planning of some new things in life..
lolz..i want moving out..i'm not happy anymore..i just wish that things would fall into their proper places or more that the universe would conspire in helping me achieve what i want in life..
syempre, aminado akong hindi ko pa din kaya mag-isa..
Tuesday, May 26, 2009
summer's out..school's in..
..like summer has come to end and me not having a blast on it and school is about to knock and i'm stupidly missing the feeling of being a kolehiyala again..
i miss..
business law and taxation, cost accounting, group dynamics in marketing and management..my funny history 4, cool humanities 1 and oh-so boring polsci..
queuing along cashier's and registrar's office for enrollment and watching out on who'll handle the major this sem and how terror he could get..
the jollibee meals on firsts of the months and pancit canton on month-ends.
coffee shops, ice cream parlors, tempura houses..
parks, pools and theaters..
group study, overnight study, cramming..
everything..
how silly could i get wanting the school to end way back..and discovering how work sucks..
oh well...nuff!
p.s: CONGRATZ TO MY GOOD FRIEND GLADYS PACAMALAN FOR PASSING THE RECENT CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT BOARD EXAM..I'M SO PROUD OF YOU..
(hindi ko afford ung tarp eh..kaya blog blog lang muna..)
this is so not me..nkaenglish eh...boohooo..
Thursday, May 14, 2009
Wednesday, May 6, 2009
silahis ang katulad mo...
mahal kong msu-iit,
hindi ko man naipadama sayo ang sangkaterba kong pagkagalak at pasasalamat sa apat na taong pag-aaruga mo sa kin..YOU ARE SO MUCH TREASURED! EVER!!!
kahit hindi ko napasukan lahat ng klase at di ko naipasa lahat ng exams mo, hindi nawala o maski nabawasan ang paghanga ko sayo..
hindi man ako nagdulot ng magandang pangalan such as magtop ng board exams at maging kahanga hanga sa kumunidad, naging mabuti naman ako at kanais nais sa mga maliliit na bagay..
salamat..miss na kita..
gusto ko lang din ishare ang mga achievements ng aking alma mater..alam ko, maliit na bagay ang mga ito para ipagmalaki..pero para sa aming taga mindanao na kung saan mahirap makilevel sa mga taga luzon at visayas lalo na at naibubuntot pa ang terorismo sa masayang pangalan ng aming nayon, napakalaking bahagi na ng mga konting achievements na ito...marami pa din naman ang nagbibigay masamang impresyon sa mahal kong paaralan..hindi ako makikipag-argumento sa kong sino man kayo dahil entitled naman tayo sa ating sariling opinyon..
October 2006 Certified Public Accountant
Licensure Examination
The successful examinees who garnered the ten (10) highest places are the following:
1 GILLIANNE ROSELLE CRUZ SAY UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESDILIMAN
91.86
2 IRINE SABADUQUIA TE- MINDANAO STATE UNIVERSITY-ILIGAN
INSTITUTE OF TECHNOLOGY
91.43
3 ALVIN SALVATIERRA CABALLERO POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE
PHILIPPINES-MAIN-STA.MESA
91.00
Electronics Engineer Licensure Exam Result November 2007-Topnotchers
1. Jake Daryll Ello Obina -- Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (91.10)
2. Virgil Roy Requiroso Ajo -- Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (90.10)
3. Adrian Solis Paala -- Polytechnic University of the Philippines-Sto. Tomas, Batangas (89.90)
November 2008 Civil Engineering Board Exam Result (CE) Topnotchers
1. MARICEL DELA CRUZ AQUINO, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-LOS BAÑOS 99.10
2. SERG JASON MODEQUILLO BODIONGAN, MINDANAO STATE UNIVERSITY-ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY 98.952.
3.MA DOREEN ESPLANA CANDELARIA, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-DILIMAN 98.95
SEPTEMBER 2008 BAR EXAMINATION TOPNOTCHERS
1. Lardizabal, Judy A. - San Sebastian College 85.70%
2. Amerol-Macumbal, Mylene I. - Mindanao State University- Iligan Institute of Technology 85.65%
3. Baclay, Jr., Oliver P. - Ateneo de Manila University 85.60%
April 2009 Chemical Engineer Board Exam Results Licensure Examination Results
The successful examinees who garnered the ten (10) highest places are the following:
1. Edmark Icalina, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology - 83.60%
2. Dominic Baylas, De La Salle University-Manila - 82.90%
3. Prince Elmer Reyes, University of the Philippines-Diliman - 80.80%
sila sila lamang ang naalala kong nagtop ng exams..pero alam ko, madami dami pa sila..lolz..
madalas sabihin ng karamihan na swerte daw ang mas mabigat na dahilan upang pumasa ang isang tao, kung magkagayon man, salamat Papa Jesus sa bumubuhos na swerte..
Monday, May 4, 2009
Tuesday, April 28, 2009
akin ang araw na ito!
isang maligayang kaarawan sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa----AKO!!
isang masaganang bagong yugto sa aking buhay...
nawa'y magkaroon ako ng mas madaming biyaya at kaligayahan..
salamat sa mga taong bumalot ng kasiyahan sa aking puso at nagbigay ng inspirasyon sa aking buhay...
alam niyo na kung sino kayo..
Friday, April 17, 2009
ang kyut ng ina nyo!
ang mga personalidad na magiging "talk of the town" at aangkinin ang tronong kasalukuyang pinagtatayuan nina marian rivera at piolo pascual..
ang mga bagong pantasya ng bayan sa susunod na henerasyon..
abangan ang paghahasik ng kanilang alindog at kariktan..
<
tsadan...
<
***********
*** adnil erin ( manang chona's youngest) --hoy kim chiu! patay ka dito!!
***********************
*** audrei ( kuya champoy's prinsesa) -- wag masyadong dumaldal iyang si mariel rodriguez at sarah geronimo dahil wala silang ibubuga rito!
*************
*** ephraim kenzo -- ( bestie esther's baby) -- astig ito, kulang kulang ang pogi points nina jake cuenca at gerald anderson sa kamachohan nito..
*************
**********
at syempre, ang mga batang naihandog ay hindi magkakaroon ng sadyang kariktan at galing kung walang pagmamanahan...
Friday, April 3, 2009
have a tax-free summer with a 90/10 principle-inspired attitude, pinoy bloggers!...Ü
***mga dyosa sa batis..
***inaanalyze namin ni banana ang lalim ng 16 feet..
***with our skimpiest swimming attires...dapat manonood kami ng sunrise eh..
...ayan, nananawagan na ang mga batis, talon, dalampasigan, dagat at lahat na ata ng anyong tubig sa balat ng earth..panahon na para maglustay ulit ng pera para sa pansariling kaligayahan...
kaakibat ng masasayang beach trips, bakasyon sa probinsiya, dry picnics, bagong short lessons at courses ay ang aking....
tsadan...
..birthday..
opo, mag bebente dos na po ako sa abril bente nuwebe..itatak nyo po yan sa inyong mga noo at batok...
" don't worry about getting old, people around you are getting old with you.."
********
nakuha ko na ang aking tax identification number matapos ang humigit kumulang na apat na buwan...bahagi na ako ng mga kalsada sa pilipinas, ng mga makabuluhang proyekto ng gobyerno..bahagi na rin ako ng bagong bmw ni pers gentelman..magiging milyon na ang isandaan kong tax kung dadalhin ito ng mga crocs ng malacañang sa casino..isang starbucks kape na ang aking isang buwang buwis...malayo layo din pala ang mararating ng aking maliit na kontribusyon para sa ikauunlad ng bayan ni juan at higit sa lahat, para sa munting kasiyahan nga mga malalaking tae ng pinas..
hay naku, magmaktol man ako ng buong buhay ko, magsimpatiya ng walang katapusan, ewan ko lang kung may mangyari..
nadelay ng isang oras ang byahe ko papuntang kabilang probinsiya dahil sa "proyekto ng mga elect and aspiring politicians"...di ko maintindihan kung bakit sementado na nga, binabakbak pa para isemento ulit..hay naku...alam na iyang style na iyan..so baduy and so luma..gahaman na gahaman ang dating..bakit hindi na lang magpundar ng ibang proyekto???..of corz, masyadong mahal yun..mauubos ang budget at wala nang mapupunta sa mga bulsa nilang sing lalim ng balon...ooooppppsss, no offense meant...i'm gonna shut my ala angelina jolie mouth na nga lang...
*******
ibinahagi ni areaman sa amin ang isang inspiring principle mula kay stephen covey..
ang 90/10 principle..
10% of life is made up of what happens to you. 90% of life is decided by how you react.
tama..ilang beses na ba akong namroblema ng mga bagay bagay na sarili ko lang ang salarin...
mga bagay na kung sanay pinag-isipan, tinimbang bago inaksyunan at dinesisyunan ay magdudulot sana ng positibong resulta..
ang tao ay tao..ako ay tao..kaya ako ganito..
******
maraming mga blogista ang nagbabalak magbakasyon..kasalukuyang nasa bakasyon at napagdesisyunang maghiatus sa kadahilanang sila lamang ay may alam..
nakakainggit kayo..sana makapagbakasyon din ako..
sa lahat ng mga blogista ng pinas! it's sun time!!!
p.s: congratz sa mga bagong lawyers..yahoo...at sa second placer galing saking alma mater..ms. mylene amerol-macumbal...saludo ako sayo!!!mabuhay msu!!!!