Tuesday, April 28, 2009

akin ang araw na ito!




isang maligayang kaarawan sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa----AKO!!



isang masaganang bagong yugto sa aking buhay...



nawa'y magkaroon ako ng mas madaming biyaya at kaligayahan..





salamat sa mga taong bumalot ng kasiyahan sa aking puso at nagbigay ng inspirasyon sa aking buhay...




alam niyo na kung sino kayo..


HAPPY BIRTHDAY VANVAN




I LOVE YOU!

Friday, April 17, 2009

ang kyut ng ina nyo!



ipinagmamalaki kong ihandog ang mga bulilit na magpapasikip ng mga panty at brief ng mga sumusunod na henerasyon..

ang mga mukhang magpapaiyak ng maraming kababaihan at magpapainom ng maraming kalalakihan..


ang mga personalidad na magiging "talk of the town" at aangkinin ang tronong kasalukuyang pinagtatayuan nina marian rivera at piolo pascual..


ang mga anyong magpapalunod ng milyong barko..


ang mga bagong pantasya ng bayan sa susunod na henerasyon..



abangan ang paghahasik ng kanilang alindog at kariktan..




<

tsadan...







<





***jan gwyneth at kyla louise portia( my cousin chona's daughters)---wiwindangin ang beauty nina shaina at maja....


***********



*** adnil erin ( manang chona's youngest) --hoy kim chiu! patay ka dito!!


***********************


*** audrei ( kuya champoy's prinsesa) -- wag masyadong dumaldal iyang si mariel rodriguez at sarah geronimo dahil wala silang ibubuga rito!


*********


*** marku ( kuya mark's pretty boy) -- aba! aba! kahit pagsamahin mo pa si piolo pascual at dingdong dantes eh no match rito..asa pa kayo!



*************





***khalil ( manang charo's son--a maranao kid) --talentado ito kaya sam milby, magbalot balot kana!


*************



*** ephraim kenzo -- ( bestie esther's baby) -- astig ito, kulang kulang ang pogi points nina jake cuenca at gerald anderson sa kamachohan nito..


************





*** nathaniel von aka boojie ( bestie nutmeg's baby) -- sinong kamukha nito paglaki?? si john lloyd o si richard guttierrez..sus! asa pa kayo..mas gwapo ito!!




*********





*** samantha ( manang shanghai's 1st daughter) -- mas matalino, mas model, mas maganda, mas magaling pa ni kc concepcion..








*************




*** symone ( manang shanghai's 2nd daughter) -- hindi lang kembot at pakyut ang kayang gawin tulad ng ke marian rivera...she will be the next superstar!



**********

at syempre, ang mga batang naihandog ay hindi magkakaroon ng sadyang kariktan at galing kung walang pagmamanahan...




***vanvan( nakaupo at pinakamaganda sa lahat); dongkoy ( nakapulang shorts); venus ( nakadaster at plaster na smile) -- eto ang mga mukhang kasalukuyang nakikipagbuno sa trono ng mga sikat at magaganda..pano ba yan..kelangan pa nilang kumembot, umiyak, ilabas ang ngala ngala sa pagkanta upang mapuna ng tao samantalang simpleng simple lang namang maging sikat at pagkaguluhan ng tao...gumawa ng blog at maging dyosa sa sariling kaharian..tsadan!

Friday, April 3, 2009

have a tax-free summer with a 90/10 principle-inspired attitude, pinoy bloggers!...Ü







***mga dyosa sa batis..












***inaanalyze namin ni banana ang lalim ng 16 feet..













***with our skimpiest swimming attires...dapat manonood kami ng sunrise eh..












...ayan, nananawagan na ang mga batis, talon, dalampasigan, dagat at lahat na ata ng anyong tubig sa balat ng earth..panahon na para maglustay ulit ng pera para sa pansariling kaligayahan...






kaakibat ng masasayang beach trips, bakasyon sa probinsiya, dry picnics, bagong short lessons at courses ay ang aking....






tsadan...







..birthday..











opo, mag bebente dos na po ako sa abril bente nuwebe..itatak nyo po yan sa inyong mga noo at batok...



" don't worry about getting old, people around you are getting old with you.."










********




nakuha ko na ang aking tax identification number matapos ang humigit kumulang na apat na buwan...bahagi na ako ng mga kalsada sa pilipinas, ng mga makabuluhang proyekto ng gobyerno..bahagi na rin ako ng bagong bmw ni pers gentelman..magiging milyon na ang isandaan kong tax kung dadalhin ito ng mga crocs ng malacañang sa casino..isang starbucks kape na ang aking isang buwang buwis...malayo layo din pala ang mararating ng aking maliit na kontribusyon para sa ikauunlad ng bayan ni juan at higit sa lahat, para sa munting kasiyahan nga mga malalaking tae ng pinas..





hay naku, magmaktol man ako ng buong buhay ko, magsimpatiya ng walang katapusan, ewan ko lang kung may mangyari..





nadelay ng isang oras ang byahe ko papuntang kabilang probinsiya dahil sa "proyekto ng mga elect and aspiring politicians"...di ko maintindihan kung bakit sementado na nga, binabakbak pa para isemento ulit..hay naku...alam na iyang style na iyan..so baduy and so luma..gahaman na gahaman ang dating..bakit hindi na lang magpundar ng ibang proyekto???..of corz, masyadong mahal yun..mauubos ang budget at wala nang mapupunta sa mga bulsa nilang sing lalim ng balon...ooooppppsss, no offense meant...i'm gonna shut my ala angelina jolie mouth na nga lang...














*******






ibinahagi ni areaman sa amin ang isang inspiring principle mula kay stephen covey..

ang 90/10 principle..


10% of life is made up of what happens to you. 90% of life is decided by how you react.


tama..ilang beses na ba akong namroblema ng mga bagay bagay na sarili ko lang ang salarin...
mga bagay na kung sanay pinag-isipan, tinimbang bago inaksyunan at dinesisyunan ay magdudulot sana ng positibong resulta..

ang tao ay tao..ako ay tao..kaya ako ganito..





******

maraming mga blogista ang nagbabalak magbakasyon..kasalukuyang nasa bakasyon at napagdesisyunang maghiatus sa kadahilanang sila lamang ay may alam..

nakakainggit kayo..sana makapagbakasyon din ako..


sa lahat ng mga blogista ng pinas! it's sun time!!!

p.s: congratz sa mga bagong lawyers..yahoo...at sa second placer galing saking alma mater..ms. mylene amerol-macumbal...saludo ako sayo!!!mabuhay msu!!!!