Friday, April 3, 2009

have a tax-free summer with a 90/10 principle-inspired attitude, pinoy bloggers!...Ü







***mga dyosa sa batis..












***inaanalyze namin ni banana ang lalim ng 16 feet..













***with our skimpiest swimming attires...dapat manonood kami ng sunrise eh..












...ayan, nananawagan na ang mga batis, talon, dalampasigan, dagat at lahat na ata ng anyong tubig sa balat ng earth..panahon na para maglustay ulit ng pera para sa pansariling kaligayahan...






kaakibat ng masasayang beach trips, bakasyon sa probinsiya, dry picnics, bagong short lessons at courses ay ang aking....






tsadan...







..birthday..











opo, mag bebente dos na po ako sa abril bente nuwebe..itatak nyo po yan sa inyong mga noo at batok...



" don't worry about getting old, people around you are getting old with you.."










********




nakuha ko na ang aking tax identification number matapos ang humigit kumulang na apat na buwan...bahagi na ako ng mga kalsada sa pilipinas, ng mga makabuluhang proyekto ng gobyerno..bahagi na rin ako ng bagong bmw ni pers gentelman..magiging milyon na ang isandaan kong tax kung dadalhin ito ng mga crocs ng malacañang sa casino..isang starbucks kape na ang aking isang buwang buwis...malayo layo din pala ang mararating ng aking maliit na kontribusyon para sa ikauunlad ng bayan ni juan at higit sa lahat, para sa munting kasiyahan nga mga malalaking tae ng pinas..





hay naku, magmaktol man ako ng buong buhay ko, magsimpatiya ng walang katapusan, ewan ko lang kung may mangyari..





nadelay ng isang oras ang byahe ko papuntang kabilang probinsiya dahil sa "proyekto ng mga elect and aspiring politicians"...di ko maintindihan kung bakit sementado na nga, binabakbak pa para isemento ulit..hay naku...alam na iyang style na iyan..so baduy and so luma..gahaman na gahaman ang dating..bakit hindi na lang magpundar ng ibang proyekto???..of corz, masyadong mahal yun..mauubos ang budget at wala nang mapupunta sa mga bulsa nilang sing lalim ng balon...ooooppppsss, no offense meant...i'm gonna shut my ala angelina jolie mouth na nga lang...














*******






ibinahagi ni areaman sa amin ang isang inspiring principle mula kay stephen covey..

ang 90/10 principle..


10% of life is made up of what happens to you. 90% of life is decided by how you react.


tama..ilang beses na ba akong namroblema ng mga bagay bagay na sarili ko lang ang salarin...
mga bagay na kung sanay pinag-isipan, tinimbang bago inaksyunan at dinesisyunan ay magdudulot sana ng positibong resulta..

ang tao ay tao..ako ay tao..kaya ako ganito..





******

maraming mga blogista ang nagbabalak magbakasyon..kasalukuyang nasa bakasyon at napagdesisyunang maghiatus sa kadahilanang sila lamang ay may alam..

nakakainggit kayo..sana makapagbakasyon din ako..


sa lahat ng mga blogista ng pinas! it's sun time!!!

p.s: congratz sa mga bagong lawyers..yahoo...at sa second placer galing saking alma mater..ms. mylene amerol-macumbal...saludo ako sayo!!!mabuhay msu!!!!

16 comments:

Kosa said...

taena,
nakakainggit naman yung mga liwaliw na ganyan... uso din yan sa amin nuon... may kasamang inuman, kantahan, dramahan, taktakan at maraming marami pang iba..lols

pero masaya..pwamis
miss ko yung mga sandaling yun ng Buhay ko..lols

********************************

talaga, May TIN ka na? wow
kongrats.. ayan, hindi ka na mawawala kase may pagkakakilanlan ka na..hehehe
at ang iyung buwis, sayang naman... hindi napupunta sa tamang lugar..
wag ka nalang kaya magbayad ng Buwis?lols lalong maghihirap ang mga politiko nyan, wala silang makukutkut sa kaban ng bayan.
aheks..lols

Kosa said...

at natuwa naman ako dun sa BAKBAKAN ng kalsada..lol

oo nga anoh?
sementado na nga yung kalsada babakbakin pa... tapos semento ulit..lols gastos lang yun ng gastos ng gobyerno.. na pera din ng mga kagaya mong taxpayer.

bakit di nalang nila hayaan na mapudpud yung semento dun at unahin na muna yung mga ibang kalsada sa probinsya na naglalaway masemento..lols

EǝʞsuǝJ said...

hahaha
parang natuwa ng todo si mister masel sa entry mo vanvan ah....
joke :)

akalain mu yun may TIN ka na..
anu ba yun?
chuchirya?
laruan?
paki-eksplain..
hehe

buti na lang dito alang buwis na kinakaltas...
mga buwisit lang sa paligid ang madami...
nung andyan ako dati at nagpapaalipin naiinis din ako pag kinakaltasan ako ng tax na kasing halaga halos ng pang-load at panggala ko.
(maliit na nga ang sahod, wanport pa nun eh napupunta sa tax).

haiiii...
swimming beach...
hmmmmffffff....
dito pag naligo ka sa beach kasama mong magtatampisaw eh mga mababahong ibang lahi..
isipin mo na lng magiging amoy nung tubig..
kasama pa dun ung mga libag nila
mga alipunga..
haha
(ang arte ko!haha)
teka makauwi na nga ng pinas!
hehehe

Unknown said...

ayyy, hindi nakabikini... hehe

di kayu maaarawan niyan!

A-Z-3-L said...

hay..

kelan kaya ako makakapagbakasyon ulet?

namiss ko na ang outinggggg!!!

naku neng... may TIN ka na ibig sabihin: patay kang bata ka!

sya.. sya... iwan muna kita.. at ako'y magsuswimming muna sa kama! toinks!

Mon said...

mala-angelina jolie mouth ah!! hehhe.. pakita nga. hehe.
nice pics. kaiinggit.. sarap mag-beach!

PaJAY said...

sa sibugay ba yung mga pix?..

asteeg a..

epfi said...

inggit ako!!!
wahhhhhhhhh

gusto ko ng umuwi ng pinas
para makapag bitch
este beach
wahaha


tsaka ... bakit naka tisert kayo sa pool
dapat 2 pc
lolz

jeremiah said...

summer na summer na nga pero ang hirap pa rin kasi isingit ang sariling leisure sa dimi ng works noh..hayz..

lucas said...

i second that, van. the choices we make play a vital role unto how the rest of our lives will play out :)

happy birthday in advance :)

Anonymous said...

waaaaa!gusto ko din magswimming..huhu



azul

Winkie said...

wow, kainggit naman ang swimming galore!

aba, lapit na din pala ang bday mo. advance happy 22nd bday, van! mauna ako sa ng mga ilang araw... hehehe!

Anonymous said...

ayokong mag-swimming dahil ayokong umitim. ilang biolink na rin ang nagastos ko kaya. nyahahaha!

happy birthday na lang po. ako rin, magti-twenty two na ngayong taon. waaah!

Anonymous said...

aba advanced api berdey.

pacanton ka naman dyan. :p

have a blessed holy week.

Hari ng sablay said...

3-in-1 plus 1 hapi kaarawan
2-and-0 plus 1 21 vanvan..
nyaayss. ang corny...hehe

duberkat said...

tama ka van. ma-apply nga ang 90/10 principle. galing lng din ako ng bakasyon...=) kung mapadpad ka davao...pm mo ko at magliwaliw tyo sa samal. =) lapit na bday mo...nkatatak na sa batok ko ung petsa. lol