i have long forgotten the issues on my past lovers until i had a good chat with my chikabebs..medyo naungkat ang aming mga ex boylets at napaisip ako. ang dami na nga pala nila ano?lolz. uso din naman kasi ang boyplends noon. lalo na noong kasibulan ng aming pagdadalaga. kapag naman kasi nagkaboyfriend ang iyong mga friends, brought by peer pressure ay magboyfriend ka na rin. hindi iyon ang tamang behavior, pero ganoon kami at ganoon kadalasan ang ang mga bagets.
mas matanda ng dalawang taon ang aking first boyplend at nagtagal lamang kami ng isang buwan. ang tanging memory na naalala ko sa kanya ay ang pagkakataong pinagawa ko siya sa aking molecular structure project sa chemistry. sa ngayon, hindi ko na alam kung buhay pa siya o nailibing na.
sunod kung naging boyplend ay aking firstlove. si labs. kaklase ko si labs at naging bestfriend muna bago niya napansin ang aking alindog at kariktan. madalas kaming magkatabi sa upuan at sabay kung umuwi. ako ang tagagawa ng assignment niya sa english at filipino at siya naman ang taga answer ng exams ko sa math at physics. dahil siguro sa dalas ng aming pagkikita, nagsawa kami sa isa't isa at tinapos ang lahat matapos ang isang taon. marami rin akong naging boyplends sa college pero no klaro.
hanggang sa makilala ko si banana--ang aking one true love . masaya ako pero hindi ko alam kung hanggang kelan ang happiness na ito. noon pa man ay ayoko ng maraming lalaki sa buhay, lamang ay hindi natin hawak ang pagkakataon. di naman pwedeng talian natin ang mga leeg ng mga gwapitong iyan at lalong hindi natin dapat pilitin ang ating mga sarili kung hindi na tayo masaya.
maraming mga problemang dulot ng pag-ibig ang nakasurround sa akin ngayon. hindi personal kung problema kundi mga problema ng mga taong konti rin ay mahalaga sa akin.
nandyan si not-so-close friend na nakipagtanan sa kanyang labedabs at dahil in denial ang kanyang mother sa nagawang pag-alsa balutan ng kanyang anak ay nagsampa ng kasong rape sa syota ng daughter.
si male berks na saka pa lamang tinext ng kanyang jowa na aalis na ito patungong italy, sa mismong araw ng pag-alis nito.
si frend na nakabuntis ng iba ang syota niya.
samo't saring kwento ng pag-ibig. may mga nabulag. may mga tumanggi sa grasya. may mga nadapa. may mga nadapa at bumangon. may mga nadapa, bumangon at nadapa ulit. may swerte. may malas. may sumugal sa bawal. may mga napipilitan.
minsan na rin akong nasaktan.yeah! ngunit heto pa rin at di natuto. di bale na.
"kung may lalayo, may darating"
"first love never dies, but true love will bury it alive"
p.s. ang mushy post na ito ay resulta ng pressure sa trabaho. may external audit kami bukas...tsadan!
16 comments:
mahiwaga talaga ang pag ibig ano? di mo alam kung sino ang para sayo. isa lang ang totoo dyan, yung pagtibok ng puso mo sa mahal mo..yun ang di maikakaila, di ba? pero minsan e naaabuso pa rin ng mga di naman dapat na pag-ibig tulad nga ng mga nadapa at bumangon..nadapa uli at bumangon ulit at nadapa na naman..ehehehe, ang lalim ata ano?
wahahahaha!!! napakasayang post nito!!! natamaan ako!!! sapul!!! hahaha. galing!!! keep it up mare!!!
tama ka!
ganun tlg ang buhay..
kung anung nakatakda sayo at susundan mo yun n yun! hehe hanggulo!!!
nakabase yan sa ruta na dinadaanan mo.. at dahil dyan.. KAKAIBA ka..pero napakaespesyal naman..hehe
kitakits
hallow. . salamat nga pala sa pagdaan. . heto at nakikigulo din. . love is on air na nga ba? puro labs na nababasa co ngayon at ganun din dito. . ganun nga siguro talaga. . sabi nga sa kanta. . lintik na pag ibig parang kidlat. . wala lang. . walang kinalaman. . haha. .
love month na talaga.
sa lahat ng blogroll ko
all about love
ehe
weehee.. reminiscing
goodluck sa inyo ni banana mo :)
pwede pwede...
ang love kasi walang expiration date kaya kahit anong pilit mong iwasan ito bubunggo ka pa rin sa pader ng pag-ibig. mauntog ka man o hindi ayos lang ang mahalaga nagmahal ka.
salamat sa pagdaan ha... add kita... ;-)
"first love never dies, but true love will bury it alive"
wow! gusto ko ito ah....indeed very true! ayan super superlative na yan...ahahaha...sa susunod ko na entry kwento ko kung bakit nagustuhan ko yan... :D
balik tayo sa post mo,ganun tlaga ang pag-ibig..minsan nadadapa..minsan magkakamali, minsan kahit sarili nating buhay naisasakripisyo din natin...pero ganun talaga... nagmamahal ka eh...
share ko sa iyo ang entry na shinare ko din kay Mich mula sa "Four Loves":
"There is no safe investment. To love at all is to be vulnerable. Love anything, and your heart will certainly be wrung and possibly be broken. If you want to make sure of keeping it intact, you must give your heart to no one, not even to an animal. Wrap it carefully round with hobbies and little luxuries; avoid all entanglements; lock it up safe in the casket or coffin of your selfishness. But in that casket - safe, dark, motionless, airless - it will change. It will not be broken; it will become unbreakable, impenetrable, irredeemable. The alternative to tragedy, or at least to the risk of tragedy, is damnation. The only place outside Heaven where you can be perfectly safe from all the dangers and perturbations of love is Hell."
:D
potah. dahil ba pebrero ngaun at lab post ang nauuso? haay...mas lalo lang akong napanghihinaan ng loob. pakshet na buhay to, oo. ako malamang, malas sa pag-ibig. go figure.
"si frend na nakabuntis ng iba ang syota niya."
- yikes!
"first love never dies, but true love will bury it alive"
- hmm, parang oxymoroni-ish ang dating.. di ko lng siguro maintindihan, hahaha! bangag ata ako ngayon..
thanks for the visit VanVan.. nice! saktong post for the month, mga topic atang ganito ang mababasa ko sa kahit saang blogs...wehe.
cheers!
"kung may lalayo, may darating"
naks amen to this
--------------
love the writing maam!
Nakuh!!! ate van (17 y/o pa ako, angal?) ganyan ka pala ang effect pag naprepresure ka? LOL_XD
Dami mo na palang karansan pagdating sa love. Pag may problema ako tungkol diyan tabangi ko ha.
"ang dami na nga pala nila ano?" - hindi naman masyadong halata na nagbibilang ka ng boylets te van? hehe
wow... ang talino ng 2nd bf mo. talagang math at physics ang forte. hehehe!
ganyan lang talaga yang pag-ibig. if it's painless...don't buy it :)
thanks for the drop btw.
mabuhay ang mga alipin ng pag-ibig..
wahaaa..happy valentines to one and all..
i know this is a "love post" pero naaliw ako sa: " kaklase ko si labs at naging bestfriend muna bago niya napansin ang aking alindog at kariktan. " di ko kinaya ang ALINDOG AT KARIKTAN.hahaha makata ka pala van.
pinakamatindi: "ang dami na nga pala nila ano?" *clap2*
'kapag naman kasi nagkaboyfriend ang iyong mga friends, brought by peer pressure ay magboyfriend ka na rin.'
i share your sentiments. kung maiinlove ka yun ay dahil gusto mo, hindi dahil kelangan mo.
so, natodas ko kayo sa first love quote ko...waahahaha..
ang sarap magmahal..kahit pa minsan masakit, ang sarap pa din..
walang kasawa sawa..
Post a Comment