balik siyudad na naman ang aking mga kapatiran at kabagang..tuloy isa na namang nakakabinging katahimikan ay namamayani sa aming bukirin.. muntikan na nga akong bumunghalit ng iyak ng ihatid ko ng tanaw ang maliit na bus na maghahatid sa kanila sa mapang-akit na siyudad.. naalala ko ang kahapon, noong kabilang pa ako sa mga nakikipagsiksikan at nakikipag-unahan sa bus para lamang makarating sa patutunguhan at makibuno sa kolehiyo.ngunit ngayong tapos na ako sa pahinang iyon, eto at naiiwan ako sa aking lupang sinilangan at kumikita ng sariling pera. nakikibaka sa araw araw na transakyon sa banko at nakikiharap sa iba't ibang uri ng tao. minsan naiisip ko, ang gulo ng buhay. noon, halos batakin ko ang mga araw para lamang mapadali ang pagtatapos ng pag-aaral..ngayon naman, kung pwede lamang ibalik ang panahon ay gagawin ko para lamang manamnam balik ang buhay estudyante..
nagiging couch potato na ako lately. minsan nanood ako ng transformers sa hbo mga bandang ala una ng madaling araw at habang nasa rurok na ako ng kagandahan ng pelikula biglang ngblue ang buong screen.palingat lingat ako sa ibang channel natakot sa mga pangyayari at ng mahimasmasan ako ay napaisip..nampoocha! lintek na cable..kaya yun tiniis ko na lamang ang maglurat ng mata sa nakakabulag na bughaw na screen..at nang mahimasmasan ay pinilit sugpuin ang insomnia na gumapi sa aking sangkatauhan..tiniis ang ungol nang mga wakwak na aso at ng mga nalilibog na mga pusa.. kakaloka ang buhay sa nayon para akong hindi nasanay..
muntik na rin akong inumaga sa kapapanood ng pepot artista sa cinema one kagabi..at talagang adik ako sa indiefilm..galing at sulit talaga..alam kung matagal na ang pelikulang ito pero hindi ko na rin siguro kasalanan kung malayo ako sa kabihasnan at sa mga sinasabi nilang cinemalaya at kung ngayon lang siya ipinalabas ng nasabing chanel.. matagal tagal ko na ring inaabangan ang numbalikdiwa pero noong naipalabas na ay inunahan naman ako ng takot..hayun at pinili ang berdeng mundo ng temptation island..buti na lamang at may replay ngayong jan.17. sana naman ay hindi ako traydorin ng aking memorya.
kakaadik. alas dos ng hapon ko pa sinimulan kung simulan ang blog na ito pero ala siyete na nang simulan kung tapusin. nakalimutan ko kasi na magpopost pala ako. sabog na ako sa pet society ng facebook. gusto kung yumaman doon pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung paano. bobita talaga.
wala pa rin akong new year's resolution..ayokong magpapayat kahit taba ako..pakialam nila..kala mo ang gaganda! at ayokong magtipid, marami kaya akong pera. dali lang naman kitain nun..dali ring waldasin.
adios!
6 comments:
hahaha!! okay lang maging couch potato paminsan minsan.. at ang lamig kaya sa labas? hehe
-
wei
salamat sa pagdaan gagitos..
lavet--ayaw kong magtipid, marami akong pera!
hahahahaha...
mayaman!
eh di mag-aral ka ulit! hehe
paulit-ulit nga transformers sa hbo ngayun, wala kameng cable... nakinood lang at narinig na paulit-ulit nga ito...
cinemaone, nakakainggit...
inom ka, pampatulog ng maaga...
gumawa ako ng account sa facebook para lang sa pet society.. haha
wag ka na gumawa
ng new year's resolution
ang gawin mo na lang
ay maging mabuting tao
para sa iba
mas maiksi
pero mas kapakipakinabang
:)
Post a Comment