habang pinapapak ko sa aking kaisipan ang librong hindi nagpatulog sa akin ng nakaraang magdamag naalala ko ang aking highschool teacher na si mrs. bordios at ang kaniyang mga maaalam at makwelang kwento. isa sa mga naging paborito ko ay ang kwentong "ang kalupi".
alam ko kukunti lamang ang nakakaalam sa kwentong ito at ayaw kong magdaldal. likas naman talaga sa atin ang hindi mahilig sa sariling atin. nyetang ang mga batang masyadong mahilig sa twilight ay hindi nakakapatong kamay sa noli me tangere at el filibusterismo. pero teka nga lang muna, ano naman ang kinalaman nito ke macarthur? si macarthur ay isang nakakabilib na aklat ng batikang bob ong. ang ikatlong katangi tanging lalaki sa buhay ko kasunod ni banana at piolo pascual. wag kang epal. mahal ko si piolo. pakialam ko kung bakla siya.
back to macarthur. eto na ang pinakapaborito kung aklat so far.
ang kwento ng mga sabog, ng mga kawatan, ng mga salot sa lipunan. kwento ng mga takot, mga mahihinang loob, ng mga nangangailangan ng kalinga. kwento ng mga walang swerte sa buhay, ng mga kakambal ng malas, ng mga sinuwerte man ay sinayang din. kwento ng mga ayaw magbago, gustong mgbago pero di magawa, gustong magbago pero di alam kung saan at paano magsisimula, gustong magbago at huli man at magaling ay nakakahabol din.
hindi ako sabog pero damang dama ko ang kwento. siguro dahil bawat isa sa atin ay sabog sa kanya kanyang isyus ng ating mga buhay buhay. o di kaya'y adik ako noong past life ko. kung nagkataon, ako na ang pinakacute na sabog. madalas ang mga ganitong kwento ang magpapamukha ng matinding realisasyon. na para bang binuhusan ka ng super duper lamig na tubig ngunit nag-aapoy ka naman sa pawis. hindi mo alam kung maaawa ka sa kanila o magagalit ngunit siguradong masasaktan ka.
di nga ba't problema talaga eto ng lipunan. pero ano bang magagawa ko kundi ang magdaldal at maki bob ong sa mga isyus na ganito..hay buhay..
makiquote na nga lang ke pareng bob...
"
dalawang dekada ka lang mag-aaral, pag di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit, sobrang lugi".
“Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan naming kayong hindi kayo naglaro sa tubig kahit basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”
2 comments:
im back again! may mac arthur din ako sa bahay. bigay sakin ng kbarkada ko. i agree sa mga sinabi mo. sobrang nkakaadik basahin. i could not put it down once binasa ko. i really liked the ending. it was gruesome...just the way i liked it to end. hehe
about kwentong ang kalupi nabasa ko to nung 1st year high school ako sa libro ng FILIPINO namen ang gandang kwento at maantig ka sa batang wala nmn tlgang ginwang kasalanan.MCARTHUR by: bob ong grabe tong kwentong to akala ko si bob ong pang komedya lang ang mga obra nya pero ito hindi lahat ng makakabasa matatuhan at mapapaisip idol ko si bob ong sa way ng pagsusulat nya ng libro koleksyon ko ang mga libro nya..pero may mga hnayupak na humiram na hindi na naibalik sakin huhu,..
Post a Comment