
ayan..ang gandang ganda..pinilit ko pa talaga si
mr. marlon na gawan ako nito..kaya milyon milyong salamat sa kanya kahit pa ginawa niyang lalaki ang aking gender..ayan o..pagkalaking MR...ahehehe..di bale na..kamukha ko naman si eva fonda sa id na ito..weee...
at dahil medyo napilit din akong gumawa ng tag ni
supergulaman..ahaha..ok fine..ako ang namilit na itag niya ako..at sa dahilang sobrang feeling close na siya sa akin, gagawin ko na ng bukal sa kalooban..
para lang namang english composition ito sa formal theme nung grade four ako..sos, ang dali..ilista ko lang daw ang mga pangalang tawag sa akin..at ang mga multong tumatawag sa akin nito..so?..let's get it on...
1.
vanessa --ang dyosang pangalan ng inyong lingkod na tawag ng mga taong masyadong pormal at gustong magpakapropesyunal gaya nina teacher at bosskie..
2.
vanvan --kung saan ako sanay at kung saan madalas akong mapagkamalang dodong..tawag ng mga taong tinatawag kong kaibigan..
3.
teban --shortcut ng ate van na madalas tawag ng aking mga subordinates sa bahay at mga taong masyadong conscious sa kanilang mga edad na kahit ilang buwan lang ang tanda ko sa kanila eh kung gumalang parang kumare ko lola nila..
4.
vantoi, vansot, vaning, vanini --nekneknames na tawag ng mga taong iba ang likaw ng bituka at iba ang takbo ng isip at walang magawa sa buhay kaya pangalan ko ang madalas pagdidiskitahan..
5.
churva --bagong binyag kong pangalan dito sa kwadradong lungga ng mga kapitalista..madalas daw kasi akong magchurva... as in tumae...aheheh..palatae ako tas hindi pa talaga early in the morning kundi in the middle of the day..
6.
bangbang --tawag ng aking landlord at boardmates sa boarding house na nilayasan ko dahil sobrang strik mag-impose ng curfew..
7.
butod --pangalan ko sa phonebook ni ex labs..tsk..tsk..
8.
bezz, bestoy --tawag ni bestfriend girl at bestfriend boy..
9.
bebee --endearment namin ni banana..dalawang taon mahigit na rin akong nasasanay sa tawag na ito...at sana forever na nga..
10.
honeypie --bagong tawag ni banana sa akin--tinatawag ko siyang banana dahil ang sagwa kung talong..at tinatawag niya akong honeypie dahil masagwa rin kung bibingka.....shhhhh...
ayan ha
super g..nagawa ko na ang obligasyon ko sayo..ehhh..nakalimutan kong naitag din ako ni
markey ng ten things about me..tamad akong gumawa non kaya
markey, pumili ka na lang ng sampu dyan sa naisulat kong 25 things about me..hehehe..and in return eh, tag kita nito
markey ha???
*************
nailabas na ang november 2008 nle results at nais kong icongratulate ang lahat ng mga pumasa..ayan, sa wakas nagbunga na rin ang mga utang ng inyong nanay..ang mga magdamagang pag-aral, ang walang kamatayang e.r at d.r at ang lahat lahat na..hindi ako masyadong makarelate sa karerang ito..
at syempre sa mga kaibigan kong super deserving sa tinatamasang kaligayahan ngayon..sana eh, walang magbago..wag lumaki ulo at ang paa??sa lupa dapat yan..unti unti nang nabubuo ang mga ulap ng ating mga pangarap..pasasaan ba't aabot din tayo sa buwan..at magniningning..
friends forever pa rin tayo ha..