Tuesday, April 28, 2009

akin ang araw na ito!




isang maligayang kaarawan sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa----AKO!!



isang masaganang bagong yugto sa aking buhay...



nawa'y magkaroon ako ng mas madaming biyaya at kaligayahan..





salamat sa mga taong bumalot ng kasiyahan sa aking puso at nagbigay ng inspirasyon sa aking buhay...




alam niyo na kung sino kayo..


HAPPY BIRTHDAY VANVAN




I LOVE YOU!

Friday, April 17, 2009

ang kyut ng ina nyo!



ipinagmamalaki kong ihandog ang mga bulilit na magpapasikip ng mga panty at brief ng mga sumusunod na henerasyon..

ang mga mukhang magpapaiyak ng maraming kababaihan at magpapainom ng maraming kalalakihan..


ang mga personalidad na magiging "talk of the town" at aangkinin ang tronong kasalukuyang pinagtatayuan nina marian rivera at piolo pascual..


ang mga anyong magpapalunod ng milyong barko..


ang mga bagong pantasya ng bayan sa susunod na henerasyon..



abangan ang paghahasik ng kanilang alindog at kariktan..




<

tsadan...







<





***jan gwyneth at kyla louise portia( my cousin chona's daughters)---wiwindangin ang beauty nina shaina at maja....


***********



*** adnil erin ( manang chona's youngest) --hoy kim chiu! patay ka dito!!


***********************


*** audrei ( kuya champoy's prinsesa) -- wag masyadong dumaldal iyang si mariel rodriguez at sarah geronimo dahil wala silang ibubuga rito!


*********


*** marku ( kuya mark's pretty boy) -- aba! aba! kahit pagsamahin mo pa si piolo pascual at dingdong dantes eh no match rito..asa pa kayo!



*************





***khalil ( manang charo's son--a maranao kid) --talentado ito kaya sam milby, magbalot balot kana!


*************



*** ephraim kenzo -- ( bestie esther's baby) -- astig ito, kulang kulang ang pogi points nina jake cuenca at gerald anderson sa kamachohan nito..


************





*** nathaniel von aka boojie ( bestie nutmeg's baby) -- sinong kamukha nito paglaki?? si john lloyd o si richard guttierrez..sus! asa pa kayo..mas gwapo ito!!




*********





*** samantha ( manang shanghai's 1st daughter) -- mas matalino, mas model, mas maganda, mas magaling pa ni kc concepcion..








*************




*** symone ( manang shanghai's 2nd daughter) -- hindi lang kembot at pakyut ang kayang gawin tulad ng ke marian rivera...she will be the next superstar!



**********

at syempre, ang mga batang naihandog ay hindi magkakaroon ng sadyang kariktan at galing kung walang pagmamanahan...




***vanvan( nakaupo at pinakamaganda sa lahat); dongkoy ( nakapulang shorts); venus ( nakadaster at plaster na smile) -- eto ang mga mukhang kasalukuyang nakikipagbuno sa trono ng mga sikat at magaganda..pano ba yan..kelangan pa nilang kumembot, umiyak, ilabas ang ngala ngala sa pagkanta upang mapuna ng tao samantalang simpleng simple lang namang maging sikat at pagkaguluhan ng tao...gumawa ng blog at maging dyosa sa sariling kaharian..tsadan!

Friday, April 3, 2009

have a tax-free summer with a 90/10 principle-inspired attitude, pinoy bloggers!...Ü







***mga dyosa sa batis..












***inaanalyze namin ni banana ang lalim ng 16 feet..













***with our skimpiest swimming attires...dapat manonood kami ng sunrise eh..












...ayan, nananawagan na ang mga batis, talon, dalampasigan, dagat at lahat na ata ng anyong tubig sa balat ng earth..panahon na para maglustay ulit ng pera para sa pansariling kaligayahan...






kaakibat ng masasayang beach trips, bakasyon sa probinsiya, dry picnics, bagong short lessons at courses ay ang aking....






tsadan...







..birthday..











opo, mag bebente dos na po ako sa abril bente nuwebe..itatak nyo po yan sa inyong mga noo at batok...



" don't worry about getting old, people around you are getting old with you.."










********




nakuha ko na ang aking tax identification number matapos ang humigit kumulang na apat na buwan...bahagi na ako ng mga kalsada sa pilipinas, ng mga makabuluhang proyekto ng gobyerno..bahagi na rin ako ng bagong bmw ni pers gentelman..magiging milyon na ang isandaan kong tax kung dadalhin ito ng mga crocs ng malacañang sa casino..isang starbucks kape na ang aking isang buwang buwis...malayo layo din pala ang mararating ng aking maliit na kontribusyon para sa ikauunlad ng bayan ni juan at higit sa lahat, para sa munting kasiyahan nga mga malalaking tae ng pinas..





hay naku, magmaktol man ako ng buong buhay ko, magsimpatiya ng walang katapusan, ewan ko lang kung may mangyari..





nadelay ng isang oras ang byahe ko papuntang kabilang probinsiya dahil sa "proyekto ng mga elect and aspiring politicians"...di ko maintindihan kung bakit sementado na nga, binabakbak pa para isemento ulit..hay naku...alam na iyang style na iyan..so baduy and so luma..gahaman na gahaman ang dating..bakit hindi na lang magpundar ng ibang proyekto???..of corz, masyadong mahal yun..mauubos ang budget at wala nang mapupunta sa mga bulsa nilang sing lalim ng balon...ooooppppsss, no offense meant...i'm gonna shut my ala angelina jolie mouth na nga lang...














*******






ibinahagi ni areaman sa amin ang isang inspiring principle mula kay stephen covey..

ang 90/10 principle..


10% of life is made up of what happens to you. 90% of life is decided by how you react.


tama..ilang beses na ba akong namroblema ng mga bagay bagay na sarili ko lang ang salarin...
mga bagay na kung sanay pinag-isipan, tinimbang bago inaksyunan at dinesisyunan ay magdudulot sana ng positibong resulta..

ang tao ay tao..ako ay tao..kaya ako ganito..





******

maraming mga blogista ang nagbabalak magbakasyon..kasalukuyang nasa bakasyon at napagdesisyunang maghiatus sa kadahilanang sila lamang ay may alam..

nakakainggit kayo..sana makapagbakasyon din ako..


sa lahat ng mga blogista ng pinas! it's sun time!!!

p.s: congratz sa mga bagong lawyers..yahoo...at sa second placer galing saking alma mater..ms. mylene amerol-macumbal...saludo ako sayo!!!mabuhay msu!!!!

Thursday, March 26, 2009

Ü





something to think about...

Friday, March 20, 2009

bakit ganito???





" siguro kung tatamaan ng kidlat ang mga taong hindi tumutupad sa salitang "pramis", magmimistulang may fireworks display araw-araw".

Friday, March 13, 2009

mood swings...




naiintindihan ko na parte sa buhay ng tao ang mood swings..na nakadepende ang emotion niya sa nagaganap sa palibot libot at ang reaksiyon ng mga taong nasa sitwasyon o kahit ang pabago bago na panahon..pero ang hindi ko maintindihan eh bakit me mga taong over na, exagg pa..na kailangan kada minuto mag mood change...oh yeah, sinuswerte kayo..








unang umapoy ang aking tambutso sa mga mood swings na ito sa kaklase kong pasweet na girl nung highcshool..sa kalagitnaan ng mga kilig kwentos, mga backbiting moments at kung ano ano pang pinapapak naming pag-usapan noon ay bigla na lamang siyang tatahimik, di maipinta ang mukha, aalis, pupuntang bintana at dudungaw doon na para bang ang kanyang prince charming ay nasa saturn sa lukot ng mukha..at kami namang naiwan eh isip ng isip..what went wrong??..





at sa kwadradong opisinang ito eh nagkalat at mga mood swingers..lahat yata ng tipo ng mga swingers eh dito ibinalandra...mula ke big boss hanggang sa mga SG..





kapag ka si bosskie na ang nagmomood swing, nakakatakot yun..syempre kontodo paimpress ako dun..noong una ay nginig tuhod ako kapag sa kalagitnaan nang makulay na atmospera ay bigla nalang magdidilim ang kanyang aura..pero ngayon, hindi na ako natitinag sa mga paiba iba niyang kulay..alam ko na dinudugo siya kahit wala siyang butas..








ang mga chikas naman dito ay double-sided...wild and silent at mabilis magchange skin..hindi mo malalaman pero daraan ang isang buong araw na wala man lang kayong imikan..at kapag ka nagiging comfortable ka na sa pagiging tahimik ninyong lahat at gusto mo na ang sound of silence, eh doon naman sila magbubukas ng bibig at magpuputak...hay tao..kakaloka..








alam ko hindi ako perpekto pagdating sa ugali at pakikisama pero palagi kong inilalagay ang aking self sa mga situations..pinipilt ko ring mag-adjust iba't ibang uri nga tao..





kapag dumating ang mga panahong nais kong manahimik..hinihintay ko ang tamang oras na makapanahimik ako ng todo todo at hindi yung basta ko nalang sila icocold war dahil feel ko mabingi sa katahimikan..at kapag me tao akong kinagagalitan, eh hindi ko isinasali ung walang alam at walang kinalaman..unfair yun..





kapag dumadating ang mga puntong nagliliyaban at nagsisiatake ang mga mood swingers..naiisip kong magkulong sa cash vault at titigan ng titigan si ninoy..pero syempre bawal ako dun..kaya yun..hanggang sa panahong ito, nakikibagay at nakikisama pa rin..







Tuesday, March 10, 2009

sulat-kamay (my version)


nagkasakit ako these past days..and i'm sort of not feeling well pa rin..kaya wala na naman pumapasok na magandang ideya sa utak ko para sa isang lehitimong post..lage naman ganun..

so papatulan ko nalang itong tag galing ke superg..unlike the so many tags na lumalaganap sa sangkablogosperyuhan, medyo iba ang tag na ito..kasi sobrang effort..at isa na naman parte na ating pagkatao ang maiexpose..ang sulat-kamay..aheks..pinilit pilit kong gandahan ang aking sulat-kamay para naman maging kanais -nais siya sa inyong paningin..at kung hindi pa rin siya kanais nais, pasensiya na po at yan lamang ang nakayanan..oh yeah, i'm so humble like that..

gaya po namin ni superg at lahat ng gumawa ng tag na ito, bigyan niyo rin po ng panahon ang tag na ito kahit mahirap..aheks..yah know..recess time para sa napudpod niyo ng daliri kasabay ng faded na keyboard..

simple lang naman ang mga rules..

1. isulat ang pangalan ng multong walanghiyang nagtag sa iyo..
2. answer the ff..
♥ your name/ username / pseudo
♥ right- handed? or left-handed?
♥ your favorite letters to write
♥ your least favorite letters to write
♥ write " the quick brown fox jumps over the lazy dog "
3. mag tag ng limang multong gusto mo ring walang hiyain..
katulad nila...
♥ winkie
♥ elyong
aheks, so what are yah waitin for??

Friday, March 6, 2009

you're not gone..you're just ahead of us..Ü



...according to kris aquino, he was a true visionary..a true legend

...according to my friend denees, he was one of the few who made nationalism cool..Ü


...and he was like eraserheads to me..

Wednesday, March 4, 2009

pasweet lang♥




isang araw, malungkot si vanvan



banana : alam mo bang ikaw ang pangalawang pinakamagandang babaeng nakita ko..



vanvan : huh?! eh, sino yung una?



banana : ikaw...


....pag nakasmile..






at nagsmile nga si vanvan...



...isang crocodile smile!!!

Sunday, March 1, 2009

i said, i'm sorry mama

may iilang araw na din na hindi kami nagkikibuan ng aking motherhood courtesy of yours truly..hindi kami nagkaintindihan dahil pinipilit ko ang gusto kong mangyari at todo supalpal naman si motherhood sa aking mga golden plans..masyado akong confident sa mga sarili kong diskarte not knowing all those consequences na pwedeng mangyari..nagmarunong ako ng nagmarunong..inakala na pwede nang tumayo sa sariling mga paa..

nasaktan ko si motherhood pero napakamaldita ko upang magpakumbaba..mali ako, pero napakafeeling matalino ko para aminin yun..inakala ko na higit na ang kaalaman ko sa buhay ..na hindi ko na kailangan ang kanilang mga opinyon at payo upang bumuo ng desisyon..

hindi ko inisip ang mga dugo't pawis na naipundar ng aking motherhood upang ako'y maging ganap na ako sa mga panahong ito..

****

kaninang umaga lang isang e-mail ang natanggap ko na gumahasa sa aking konsensiya at sumaksak sa aking puso..



SULAT NI TATAY & NANAY


Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self- pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan na bingi. Pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensiya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-palaka. Basta pakinggan mo na lang ako.

Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong sasabihin. Maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung ako’y madalas masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintidihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na


sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindI ka interesado sa mga kuwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong

pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa inyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na akoy magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

Huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka, dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama at ina.




Laging nagmamahal,


Tatay at Nanay






napakabait ni BRO at binigyan nya ako ng pamilyang handang umintindi sa lahat ng aking mga tantrums at pinipilit ibigay ang aking mga unnecessary luho sa buhay..napakabait niya dahil binigyan niya ako ng isang motherhood na kayang magsakripisyo at handang dumamay sa mga kabiguan ko sa buhay..isang motherhood na handang makibaka sa mga futuristic plans ng inyong likod..

napakabait ni BRO at pinamukha niya sa akin habang maaga pa ang aking mga kabulastugan..hindi ko man maipapangako na magiging super bait na ako...kakayanin kong wag na maging selfish at wag magdunong dunongan dahil super halata naman na wala kong masyadong alam..

kung sino man ang me akda ng naispread out na liham na ito, salamat..


****

pag-uwi ko ng bahay ngayong gabi, bibigyan ko ang aking motherhood ng isang mahigpit na **POWEHUGZ!** at matinding XOXOXO...




p.s: hindi pa matanda si motherhood, nevertheless, nakonsenya pa rin ako sa liham..