may iilang araw na din na hindi kami nagkikibuan ng aking motherhood courtesy of yours truly..hindi kami nagkaintindihan dahil pinipilit ko ang gusto kong mangyari at todo supalpal naman si motherhood sa aking mga golden plans..masyado akong confident sa mga sarili kong diskarte not knowing all those consequences na pwedeng mangyari..nagmarunong ako ng nagmarunong..inakala na pwede nang tumayo sa sariling mga paa..
nasaktan ko si motherhood pero napakamaldita ko upang magpakumbaba..mali ako, pero napakafeeling matalino ko para aminin yun..inakala ko na higit na ang kaalaman ko sa buhay ..na hindi ko na kailangan ang kanilang mga opinyon at payo upang bumuo ng desisyon..
hindi ko inisip ang mga dugo't pawis na naipundar ng aking motherhood upang ako'y maging ganap na ako sa mga panahong ito..
****
kaninang umaga lang isang e-mail ang natanggap ko na gumahasa sa aking konsensiya at sumaksak sa aking puso..
SULAT NI TATAY & NANAY
Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self- pity ako tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan na bingi. Pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensiya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-palaka. Basta pakinggan mo na lang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong sasabihin. Maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensiyahan mo sana kung ako’y madalas masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintidihan mo rin ako.
Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na
sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindI ka interesado sa mga kuwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa inyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na akoy magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
Huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka, dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama at ina.
Laging nagmamahal,
Tatay at Nanaynapakabait ni BRO at binigyan nya ako ng pamilyang handang umintindi sa lahat ng aking mga tantrums at pinipilit ibigay ang aking mga unnecessary luho sa buhay..napakabait niya dahil binigyan niya ako ng isang motherhood na kayang magsakripisyo at handang dumamay sa mga kabiguan ko sa buhay..isang motherhood na handang makibaka sa mga futuristic plans ng inyong likod..
napakabait ni BRO at pinamukha niya sa akin habang maaga pa ang aking mga kabulastugan..hindi ko man maipapangako na magiging super bait na ako...kakayanin kong wag na maging selfish at wag magdunong dunongan dahil super halata naman na wala kong masyadong alam..
kung sino man ang me akda ng naispread out na liham na ito, salamat..
****
pag-uwi ko ng bahay ngayong gabi, bibigyan ko ang aking motherhood ng isang mahigpit na **POWEHUGZ!** at matinding XOXOXO...
p.s: hindi pa matanda si motherhood, nevertheless, nakonsenya pa rin ako sa liham..