Saturday, March 21, 2009

i l♥ve you moreÜ




***i need to let go of a new friend just to hold on to a hopefully-forever-love..

kahit ilang beses mo akong papipiliin at kahit sino pa ang taong magiging katapat mo sa pagpili ko, ikaw at ikaw pa rin..

nagkakamali ang tao at inaamin kong nagkakamali ako higit pa sa minsan..pero ang intensiyon kong gawin ang bagay na yun ay malayo sa iniisip mo ngayon..

hindi kita pinapasok sa buhay ko upang maging wala sa huli..nang ibigay ko ang matamis kong "uu" kasama na doon ang posibilidad na maaring angkinin mo ako ng panghabambuhay at ganun din ako sa yo..pero sa panahong tinatahak pa natin ang posibilidad na iyon, nais kong bigyan nating halaga ang mga taong maaring maging instrumento ng ating pagtitibay at pagtatagal..nais ko ring bigyan natin ng higit na halaga ang ating mga sarili upang maihanda natin ito sa pagkakataong maaring ibigay sa atin ng tadhana..


ikaw at ikaw lang.wala ng iba. maipapangako ko yan.


alam kong alam mo nang parte ng buhay ko ang mga bagay bagay na katulad ng pagsusulat, pakikibahagi at pakikipagkaibigan...

oo, ikaw ang higit kong ligaya, ngunit ang mga bagay ding iyon ay nagpapasaya sa akin..


masusunod ang gusto mo, pero sana ay buksan mo ang iyong isip sa mga bagay na gusto ko at hindi lang gusto mo...










p.s: my classmate in grade 1 died kanina 12:05pm at the age of 22...complications on his toxic goiter..i hope you could help me pray for his soul..

may you rest in peace, atoi...your memories stay...


14 comments:

A-Z-E-L said...

hindi madaling ipaliwanag ang mga bagay nanagpapasaya sa atin. mahirap iwanan ang nakagawian para harapin mo ang nasumpungang nilalang para mas maging masaya ka.

kung sakaling mahirap pagsabay-sabayin ang lahat at hindi ka nya maintindihan, i know the love will prevail at the end. masakit na iwanan ang mga bagay na nakasanayan mo ng gawin. pero kung un ang way para magkasundo kayo, BAKIT HINDI?!

dumaan na ako dyan... nahirapan akong magpaliwanag kaya ako ang nag-adjust. huwag kang magmatigas. dahil ang taong mahal mo pag nawala, baka hindi ka mo na rin magawang tama ang mga bagay na nagpapasaya sayo...

madaling magmaktol at mamalimos ng pang-unawa. pero pag hindi bukal sa kanyang puso ang pagpapalaya nya sayo, na gawin ang ibang bagay na gusto mo, magiging routinary na ang away, inis, simangot sa paligid mo.

napahab ms. vanvan... sabi ko nga sayo... dumaan na ko dito kaya feel na feel kong magcomment! aheks!

Gem said...

ikaw kasi eh...aheks...naninisi... pero ganun pa man...magkakaintindihan lang din kayo... :)

epfi said...

think of your decisions very well and sana everything will turn up ok sa decision mo.

tc always van. :)

lucas said...

i am so sorry for your loss van T_T...

may he rest in peace....

---
ang dami ko pang hindi nasusubukan pero wala akong resources..:|

MarcoPaolo said...

sad naman to... Condolence sa pamilya niya!

azul said...

alam mo sis nakarelate ak dito...

ngaps weebee..

tagal mo nawala..

Anonymous said...

ang masaklap dun..binabago nia ako...pero cia ayaw niang magbago..unfair di ba..





---azul

ORACLE said...

"masusunod ang gusto mo, pero sana ay buksan mo ang iyong isip sa mga bagay na gusto ko at hindi lang gusto mo..."

(lunok!) Naku! Mukhang mahirap yan aba! Sabi nga ng kanta, "you've got to love me for what i am for simply being me..." Good luck!

Isip isip! Kaya mo yan!

Lio Loco said...

tae. kaseryoso naman ng post mong are. ano yan, ipinagbabawal na ba sa'yo ng biep mo ang magblog hopping? tsk tsk tsk. invasion of privacy rights na yan. ipaglaban ang pakikipaglandian sa makamundong pinoy sangkablogosperyohan. makibaka! wag matakot!

Winkie said...

kalungkot naman ung tungkol sa friend mo. may he rest in peace.

PaJAY said...

ang bata pa a.....

kalungkot..

buti na lang may kakesohan ang naunang mga talata kaya balanse....hehe

flamindevil said...

in love ka.may pinaghuhugutan.halatang-halata.hehe

***i need to let go of a new friend just to hold on to a hopefully-forever-love..

pano kung sagutin kang 'i just realized that I want you to be my long time friend than my shortlived partner.'

patay tayo jan

btw,pagdasal natin friend mo

karmi said...

condolence sa family ng kaibigan mo..

hmm, seryosong post. sa isang relationship, dapat talaga, give and take. hindi ung dehado ung isa. dapat may understanding at dapat din laging alalahanin ung nararamdaman ng partner.. :)

yhen1027 said...

condolence sa namatay mong klasmate...